ALERT LEVEL 3 | Higit 37,000 pamilya, lumikas kasunod ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon

Manila, Philippines – Mahigit 37,000 pamilya na ang lumikas sa Albay dahil sap ag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Ito ay batay sa tala ng Albay Provincial Safety Emergency Management Office.

Ayon kay Legazpi City Mayor Noel Rosal, target nila ang zero casualties.


Paliwanag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) resident volcanologist Ed Laguerta, delikado sa lahar flow ang mga river channel na sakop ng mga bayan ng Daraga, Camalig at Guinobatan.

Pinag-iingat din ang Legazpi City at Santo Domingo, Albay na malapit sa river channel.

Nanatili sa alert level 3 ang mayon habang patuloy ang pagtala ng mga lava collapse na nagdudulot ng makapal na usok at abo.

Facebook Comments