PROYEKTONG NABUO GAMIT ANG SGLG INCENTIVE FUND, PINASINAYAAN

Cauayan City – Pinasinayaan ng Lokal na Pamahalaan ng San Mateo ang bagong covered court na pinondohan sa ilalim ng FY 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) sa San Antonio Elementary School (SAES), Barangay San Antonio, San Mateo, Isabela.

Dumalo sa seremonya ang mga opisyal mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 2 na pinangunahan ni Regional Director Agnes A. De Leon, kasama sina Isabela Provincial Director Corazon Toribio, Cluster Head Imelda Rosales, Municipal Local Government Operations Officer Baldovino Baldwin M. Valdez, Mayor Atty. Gregorio Pua, local officials, at mga kinatawan mula sa Department of Education (DepEd).

Sa mensahe ni Regional Director De Leon, PINURI nito ang LGU San Mateo sa pagiging consistent na awardee ng Seal of Good Local Governance (SGLG) sa loob ng walong sunod-sunod na taon.


Samantala, pinuri rin ni PD Toribio ang LGU San Mateo para sa pagtutok sa social development sa pamamagitan ng pagtatayo ng covered court, at hinikayat nito ang paaralan at barangay na panatilihing maayos ang pasilidad at binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo publiko ng LGU.

Ang proyektong ito ay patunay ng dedikasyon ng LGU San Mateo sa pagpapabuti ng serbisyong pampubliko at pagpapalakas ng edukasyon sa kanilang bayan.

Facebook Comments