Angelica Panganiban at Kim Chiu, may mensahe sa kaibigang si Bela Padilla

73

Kasabay ng kanyang birthday, bumuhos ang mga pagbati sa aktres na si Bela Padilla mula sa kanyang mga best friends na sina Angelica Panganiban at Kim Chiu.

Sa kani-kanilang Instagram, nagbahagi sina Kim at Angelica ng mga litrato at video kung saan kita ang masayang bonding at kulitan nila kasama si Bela.


Maliban sa pagiging mahusay na aktres, pinuri ni Angelica ang pagiging mabuting tao ni bela habang ibinahagi naman ni Kim ang saya ng makilala at maging kaibigan ang aktres.

Nagsimula ang pagkakaibigan ng tatlo nang mang-gate-crash ng party noong 2017 sina Bela at Kim, na dinaluhan din ni Angelica.

Facebook Comments