Apat, arestado sa iligal na sugal sa Las Piñas City

33

Kalaboso ang apat na indibiduwal matapos maaktuhang iligal na nagsusugal sa Barangay Ilaya, Las Piñas City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Marilyn Orebe, Salby Manuel, Analiza Tubig at Frederick Santos.


Nabatid na nagkasa ng Anti-Criminality Operation ang Las Piñas Police sa nasabing barangay kung saan naaktuhan nila ang apat na naglalaro ng tong-its sa may bahagi ng San Francisco Street.

Tatakbo pa sana ang ilan sa kanila pero nakorner na sila ng mga otoridad.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang isang set ng baraha, plastic chips at perang pangtaya na aabot sa P740.

Facebook Comments