Kalibo, Aklan— Natanggap na ng Kalibo Police Station ang apat na Yamaha Aerox motorcycle na magsisilbing patrol vehicle mula sa LGU Kalibo. Aabot sa P600,000 ang halaga ng naturang mga motorsiklo kalakip ang mga accessories nito. Ayon kay Kalibo Mayor Emerson Lachica na nanguna sa turn over, na makaka-augment ang mga motorsiklo sa mga patrol car ng police station para sa pagresponde sa mga insidente gayun din sa pagpapatrolya sa mga barangay. Pinasalamatan naman ni PMAJ. Bellshazar Villanoche hepe ng Kalibo PNP station ang LGU dahil ang ibang motorsiklo ng himpilan ay luma na. Aniya na tatlo ang gagamitin para sa pagpapatrolya habang ang isa naman ay gagamitin ng intelligence section. Samantala ayon naman kay SB Member Ronald Marte na P1.2 million sana ang budget sa proyekto para sa walong unit ng motor ngunit nang dumating ang COVID 19 Pandemic ay natapyasan ng kalahati ang budget para rito. Dagdag pa nito na NMAX sana ang kanilang bibilhin ngunit may kamahalan ito. Sa katunayan aniya ay binalak na ipagpaliban ang proyekto para magamit sa COVID 19 projects ang budget para rito ngunit iginiit nito na importante rin ang peace and order. Sa ngayon marami pa umanong proyekto ang LGU Kalibo at Municipal Peace and Order Council para sa pulisya.
Apat na bagong patrol motorcycle ibinigay sa Kalibo PNP
Facebook Comments