Apat pang dayuhang airline, inilipat na rin ng terminal assignment

Nailipat na rin ng terminal assignment ang apat na foreign airlines mula NAIA Terminal 1 patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa inilipat ngayong araw mula sa NAIA Terminal 3 ang Gulf Air, Thai Airways, Ethiopian Airlines at Jeju Air.

Layon ng paglilipat ng terminal na mabalanse ang bilang ng mga pasahero sa harap ng pagdagsa ng travelers.


Bahagi rin ito ng decongestion sa NAIA 1 kung saan inilipat naman dito ang international flights ng Philippine Airlines mula sa NAIA Terminal 2.

Tiniyak naman ng MIAA na maglalaan sila ng shuttle bus para sa mga pasahero sakaling maligaw sila ng terminal.

Facebook Comments