
Posibleng mag-extend ng ilang araw ang Senado sa plenary deliberations ng P7.2 trillion na 2027 national budget.
Ayon kay Senate President Win Gatchalian, kung hindi matatapos ang pagtalakay ng pambansang pondo sa plenaryo, posibleng ituloy sa December 1 at 2 ang deliberasyon sa budget.
Sinabi ni Gatchalian na umaasa pa rin naman sila na kakayaning matapos ang plenary budget deliberations sa Biyernes, November 27.
Kinonsulta rin niya si Finance Committee Chairman JV Ejercito at tiniyak sa kanya na kakayaning matapos ang deliberasyon sa budget sa Biyernes at posibleng wala na rin silang tulugan para sa linggong ito.
Samantala, inilatag na ni Ejercito ang committee report ng 2027 national budget kung saan nagpasok ng amyenda ang Senado na sesentro sa pagpapalakas sa health, education at critical infrastructure.










