Tuesday, November 10, 2026

Aplikasyon para sa bagong associate justice ng Korte Suprema, binuksan na ng JBC

Inanunsiyo ng Judicial and Bar Council (JBC) na nagsimula na silang tumanggap ng aplikasyon para sa bagong associate justice ng Korte Suprema.

Ito ay para sa nabakanteng pwesto ni Chief Justice Rodil Zalameda na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong nakaraang linggo kapalit ng nagretirong si dating Chief Justice Alexander Gesmundo.

Ayon sa JBC, mangyaring bisitahin ang official website na www.jbc.judiciary.gov.ph para sa mga detalye sa mga nais magsumite ng aplikason.

Itinakda naman sa December 28, 4:30 ng hapon ang deadline ng paghahain ng aplikasyon para sa nais maging mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.

Samantala, nagbabala ang JBC sa mga aplikante na maaaring managot sa batas sakaling makita na may inilagay na maling impormasyon sa kanilang mga isusumite at mahaharap din sa diskwalipikasyon.

Nauna nang naisumite ng JBC ang listahan ng nominees para naman sa papalit kay Associate Justice Amy Lazaro-Javier na magreretiro sa November 16.

Facebook Comments