
Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakatanggap sila ng mga ulat hinggil sa posibleng data breach sa Local Government Unit Support System–Barangay Information Management System (LGUSS-BIMS), na naglalaman ng Records of Barangay Inhabitants (RBI).
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang DILG upang beripikahin ang mga ulat at alamin ang posibleng lawak ng nakompromisong datos.
Nakipag-ugnayan na rin ang ahensya sa National Privacy Commission (NPC) at nagpatupad ng mga paunang hakbang upang maprotektahan ang personal na impormasyon at mapalakas ang seguridad ng kanilang sistema.
Tiniyak naman ng DILG na magsasagawa sila ng kaukulang aksyon batay sa magiging resulta ng imbestigasyon at mga umiiral na batas.
Facebook Comments









