Dalawang aktibidad ang pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Biyernes.
Alas-9:00 nang umaga ay nakatakadang lagdaan ng Pangulo bilang batas ang Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL Program Act.
Layunin ng panukalang batas na matugunan ang gap o kakulangan sa pagkatuto ng mga estudyante noong pandemya at itaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Ang ARAL Program Act ay isa rin sa 20 priority measures ng administrasyon na target maipasa nito pang Hunyo.
Matapos naman nito ay magiging panauhing pandangal si Pangulong Marcos sa Manila Fame 2024 sa World Trade Center, Pasay City.
Ang Manila FAME ay ang premiere home, fashion, at lifestyle trade show ng bansa kung saan itinatampok ang mga lokal na negosyo, manggagawa, at artisan ng Pilipinas gamit ang mga raw materials.