Friday, June 12, 2026

Maasim, Sarangani, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang katubigang bahagi ng Saranggani

Na-monitor ng PHIVOLCS ang pagyanig ng kaninang 1:14 PM.

Natunton ang episentro ng lindol sa 66 kilometers South West ng Maasim, Sarangani.

May lalim itong 3 KM at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II – General Santos City

Intensity I – Maasim at Maitum, Sarangani; Banga at Norala, South Cotabato

Habang Instrumental Intensity naman sa:

Intensity II – General Santos City; Kiamba at Maasim, Sarangani; T’boli at Surallah, South Cotabato

Intensity I – Maitum at Malapatan, Sarangani; Banga, Santo Niño, at Tupi, South Cotabato; Isulan at Bagumbayan, Sultan Kudarat

Ayon sa PHIVOLCS, ito ay aftershock pa rin ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa katubigang bahagi ng Sarangani noong June 8.

Facebook Comments