Monday, June 15, 2026

PNP-ACG, agad na pinakikilos para matukoy ang nasa likod ng cyber attack sa website ng Kamara

Iniutos ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang agad na pakikipag-ugnayan ng Philippine National Police – Anti-Cybecrime Group (PNP – ACG) sa House of Representatives para matukoy ang responsable sa nangyaring defacement sa kanilang website.

Nabatid na nitong Sabado ay nahack ang website ng Kamara, ilang araw matapos ding maging target ng katulad na cyberattack ang website naman ng Senado.

Ayon kay Nartatez, inatasan nya rin ang ACG na makipagugnayan sa iba pang ahensya ng pamahalaan para malaman ang source,method at ang lawak ng website defacement ng Kamara.

Tiniyak ni Nartatez na magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon at mapapanagot sa batas ang responsable sa nasabing cyber attack.

Nanawagan din ito sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na maging paalala ito na manatiling maging top priority din ang kanilang cybersecurity kung saan hinimok na magsagawa ng palagiang review sa kanilang security protocol, iupdate ang system, at paigtingin ang monitoring mechanisms laban sa nasabing cyber threats.

Facebook Comments