
Palalawakin pa ng Pilipinas at Russia ang kooperasyon sa larangan ng food at energy security.
Ito ang napagkasunduan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Russian President Vladimir Putin sa kanilang pagpupulong kasabay ng selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.
Ayon sa Pangulong Marcos Jr., kabilang sa mga nakikitang pagtutulungan ng dalawang bansa ang sektor ng enerhiya, agrikultura, kalakalan at pamumuhunan.
Sinabi naman ni Putin na marami pang pwedeng gawin para mapalawak ang kalakalan ng Pilipinas at Russia lalo na sa mga agrikultura at enerhiya.
Noong nakaraang taon aniya ay umabot sa mahigit kalahating bilyong dolyar ang halaga ng bilateral trade sa pagitan ng dalawang bansa.
Binalikan din ni Putin ang pagbisita ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa kanilang bansa noong 1976 na nagbigay-daan sa pagkakatatag ng diplomatic relations ng Pilipinas at Russia.










