ARESTADO | Tindero ng isda sa pelengke sa Isabela, kalaboso sa iligal na droga

12

Mallig, Isabela – Kalaboso ang isang tindero ng isda makaraang mahuling nagbebenta ng ilegal na droga sa Mallig, Isabela.

Sa ulat, nasakote sa isinagawang drug buy-bust operation ang suspek na si Richard Delos Santos.

Nabuko ang diskarte ng suspek kung saan napag-alaman na bukod sa pagbebenta ng isda, sumasa-sideline din ito sa pagtitinda ng droga.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang kanyang mga customer ay mga kapwa niya nagtitinda sa mga palengke sa iba’t-ibang mga bayan sa Isabela.

Facebook Comments