Pagkumpiska ng NPA sa mga iligal na kahoy sa Surigao Del Sur, drama lang ayon sa isang opisyal ng Army

Surigao Del Sur – Drama at propaganda lamang ang ginawang pagkumpiska ng New People’s Army (NPA) sa mga iligal na kahoy sa Barangay Maticdum, Tandag City, Surigao Del Sur.

Ito ay ayon kay Col. Franco Nemesio Gacal, 402nd brigade commander ng Philippine Army.

Inakusahan pa opisyal ang npa na protektor sa illegal logging sa lugar.


Matandaan na hindi bababa sa 5 miyembro ng GF committee 30 ng NPA ang nagsagawa ng checkpoint noong Lunes, Agosto 21, sa nasabing lugar.

Ayon kay ka Sandra, tagapagsalita ng NPA, na umabot sa halos walong oras na binantayan ng kanyang mga kasamahan ang mga kahoy para masiguro na hindi mawala ang nakumpiskang mahigit sa 1,000 board feet na mga kahoy ng Lawaan na nasa kostudiya ngayon ng DENR.

Facebook Comments