Australian boxer na si Jeff Horn, idineklarang panalo sa isinagawang imbestigasyon ng world boxing organization sa Pacquaio-Horn fight – kapatid ni Pacman, maluwag na tinanggap ang resulta ng review ng WBO

Manila, Philippines – Inilabas na ng World Boxing Organization (WBO) ang resulta ng kanilang review sa naganap na kontrobersiyal na laban nina Manny Pacquaio at Jeff Horn sa Brisbane, Australia noong July 2.

Kasunod ito ng protesta ng fighting senator, Games and Amusement Boards (GAB) at pag-alma ng mga fans at ilang boxing analysts.

Sa imbestigasyon, idineklara ng wbo na tama ang naging desisyon ng tatlong judges na panalo si Horn laban kay Pacquaio.


Ginamit na basehan ng WBO sa review ang resulta ng rescoring mula sa limang mga competent judges na nagmula raw sa iba’t ibang mga bansa.

Matapos ang analysis sa findings, sinabi ng WBO na nanalo si Pacquiao ng limang rounds lamang habang nakuha naman ni Horn ang pitong rounds.

Anila, nagwagi si Pacman sa 3rd round, 8th round at 9th round ng 100 percent.

Sa 5th round ay 80 percent naman na napunta ito kay MANNY at ang 11th round ay 60 percent ang nakita ng mga judges.

Kay horn naman ay napagwagian ang 1st round, 6th at 12th rounds na pawang nasa 100 percent.

Ang round 2nd, 4th at 7th ay nasungkit naman ng australian star ng 80 percent.

Ang 10th round ay 60 percent ang nakita na panalo ng undefeated na 29-anyos na boksingero.

Facebook Comments