BAGONG MAYOR | Maybahay ng inambush na alkalde ng Sudipen, La Union, pormal nang nanumpa

La Union – Pormal nang nanumpa bilang alkalde si Vice Mayor Wendy Joy Buquing sa bayan ng Sudipen, La Union.

Isinagawa ito sa Barangay Castro sa pangunguna ni La Union Governor Francisco Emmanuel “Pacoy” Ortega III kasabay ng pagbisita nito sa lamay ni Sudipen Municipal Mayor Alexander Buquing.

Inilarawan naman ni Gov. Ortega na “unpleasant task” ang kanyang ginawa ngunit ito ang kailangan upang hindi maantala ang trabaho kasabay ng pagdadalamhati ng mga mamamayan sa pagkawala ng kanyang asawa.


Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa mga suspek sa pananambang kay Mayor Buquing.

Facebook Comments