
Inilabas na ng Senate Impeachment Court ang posibleng bagong schedule dates ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senate Impeachment Court presiding officer Chiz Escudero, batay sa inilatag na schedule ng impeachment trial na isasapinal pa sa susunod na linggo, simula sa October 1 at 2 ang paglilitis ay gagawin ng buong araw, o mula alas dyes ng umaga hanggang early evening.
Pagkatapos nito, sa session break, buong linggo ng October 5 hanggang 9 at October 12 hanggang 15 ay buong araw isasagawa ang paglilitis, o mula alas dyes ng umaga hanggang early evening o depende sa kung hanggang anong oras ang kaya nila.
Matapos nito ay sususpendihin muna ang impeachment trial para bigyang daan ang mga pagdinig ng Senate Committee on Finance para sa budget ng iba’t ibang ahensya.
Kahit naka-session break ay tuloy-tuloy naman ang isasagawang budget hearings.
Itutuloy ang impeachment trial sa November 9 at 16 na parehong Lunes dahil tatalakayin naman sa plenaryo ang budget at November 23 naman ang resumption ng regular programming ng impeachment trial.
Ginawa ito para bigyang-daan ang pagdinig ng 2027 national budget.










