Baguio City Mayor Benjamin Magalong, muling nahalal bilang alkalde ng lungsod

Muling nahalal bilang alkalde ng Baguio City si incumbent Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos makapagtala ng 64,665 votes ayon sa Public Information Office (PIO) ng lungsod.

Pinataob nito ang tatlo pang kalaban kung saan kabilang dito sina dating vice mayor Edison Bilog at dating mayor na si Mauricio Domogan.

Ito na ang ikalawang termino ni Magalong bilang alkalde ng Baguio City.


Si Magalong ay nanilbihan dati sa Philippine National Police at pinamunuan ang Criminal Investigation and Detection Group bago sumabak sa pulitiko noong 2019.

Facebook Comments