Banggaan ng Motorsiklo at SUV, Isa Patay, Isa Sugatan!

*Cauayan City, Isabela-* Binawian ng buhay sa pagamutan ang drayber ng motorsiklo makaraang sumalpok sa kasalubong na SUV sa kahabaan ng Brgy. Minante 2, Cauayan City.

Kinilala ang nasawing drayber ng motorsiklo na si Christian Vinoya, 18 anyos habang sugatan naman ang angkas nito na sina John Mark Racca, 26 anyos at Banjo Policarpio, 23 anyos, kapwa residente ng Brgy. Faustino, Cauayan City.

Lumabas sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, habang binabagtas ni Biona ang nasabing lansangan ay bigla itong nag-overtake sa sinusundang motorsiklo dahilan upang masalpok ang paparating na SUV na minamaneho ni Sandrick Liquigan, 45 anyos at residente ng Pasay City.


Nagresulta ito sa pagkamatay ni Vinoya na idineklarang Dead on Arrival (DOA) sa pagamutan matapos na magtamo ng matinding pinsala sa katawan.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya ang mga sangkot na behikulo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments