Bank Security Officer sa Cauayan Tinambangan, Patay!

Cauayan City, Isabela – Patay ang isang Security Officer ng Fico Bank Cauayan matapos itong pagbabarilin kahapon malapit sa tulay ng Marabulig ng hindi pa nakikilalalang suspek.

Ang biktima ay kinilalang si Jimmy Padernilla, 53, biyudo at residente ng Brgy. Marabulig 1 Cauayan City.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, pasado alas singko ng hapon kahapon, Disyembre 26, 2017, isang concerned citizen ang tumawag sa Cauayan Rescue 922 upang ipagbigay alam ang noong una ay hinihinalang biktima ng vehicular accident na kinasasangkutan ng isang pulang Toyota Wigo na may plakang ALA 6960.


Sa pagresponde ng Rescue 922 natuklasang biktima ng pamamaril si Padernilla.

Isinugod pa si Padernilla sa isang pribadong ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 6 na basyo ng kalibre 45 baril na siyang ginamit ng di pa nakikilalang suspek.

Isa sa tinitingnang anggulo sa motibo ng pagpatay kay Padernilla ay may kaugnayan sa kanyang trabaho.

Facebook Comments