MOST WANTED SA CARNAPPING SA SAN CARLOS CITY, NAHULI SA SAN JACINTO

Arestado ang isang 35-anyos na lalaki na kabilang umano sa Top 3 Most Wanted Persons sa San Carlos City matapos matunton ng mga awtoridad sa San Jacinto, Pangasinan noong Mayo 12, 2026.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay nahaharap sa kasong carnapping sa ilalim ng Republic Act 10883 o Anti-Carnapping Law at pansamantalang naninirahan sa naturang bayan bago maaresto.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na may inirekomendang piyansa na ₱300,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa dokumentasyon at kaukulang proseso ng batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments