Tuesday, May 19, 2026

INTERNATIONAL AIDS CANDLELIGHT MEMORIALO 2026, ISINAGAWA SA ALAMINOSCITY JAIL

Matagumpay na isinagawa ng City Health Office ng Alaminos City ang International AIDS Candlelight Memorial 2026 sa Alaminos City Jail.

Nagsagawa rin ng libreng HIV testing at food distribution para sa mga Persons Deprived of Liberty o PDLs bilang bahagi ng programa.

Tinalakay din sa aktibidad ang kahalagahan ng pagkakaisa, empathy, at shared experiences upang tuluyang mabawasan ang stigma kaugnay ng HIV/AIDS.

Umaasa ang mga organizers na magpapatuloy ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon, pag-asa, at suporta para sa mas ligtas at mas maunawaing komunidad.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kamalayan tungkol sa HIV/AIDS, mapalakas ang suporta at malasakit para sa mga apektado ng sakit, at hikayatin ang kahalagahan ng maagang testing at prevention. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments