
Tatlo ang kumpirmadong nasawi sa nangyaring sunog sa Brgy. Tangos South, Navotas city.
Base sa paunang imbestigaduon mg Bureau of Fire Protection (BFP-Navotas), isang 20-anyos na babaeng buntis, isang 14-anyos na dalagita at isang 9-taong gulang na batang babae ang biktima.
Nagsimula ang sunog bago mag-alas 4:00 ng madaling araw na umabot ng ikalawang alarma at idineklarang fire out bago mag-alas-7:00 ng umaga.
Nabatid na mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa ilang light materials ang bahay at maaaring hindi na nakalabas pa ang tatlong biktima.
Bukod dito, masikip o makitid rin ang daanan papasok at papalabas kung saan halos wala ng natira sa mga nasunog na bahay.
Hindi pa matukoy ang pinagmulan ng sunog pero ayon sa mga kwento ng ilang residente, nagsimula ang sunog sa mga kawad ng kuryente na posibleng overload bunsod ng mga umano’y jumper.










