
Hiningi ngayon ng Office of the Ombudsman ang listahan ng mga tauhan ng media na nasa Senado noong maganap ang shooting incident.
Ang liham na request ay mula kay Maria Melinda Mananghaya, Henson na Director ng Field Investigation Bureau at naka-address ito kay Michael Caber na Director ng Public Relations and Information Bureau.
Nakasaad na ang paghingi ng listahan ay para sa imbestigasyon sa nangyaring barilan o armed confrontation na naging daan para mag-lockdown ang Senado noong May 13 hanggang 14.
Hinihingi rin ang logbook entries ng media kasama ang log-in at log-out kung meron man.
Sakali namang hindi available ang mga hinihinging dokumento ay pinagpapaliwanag under oath kung bakit hindi ito maibibigay.
Matatandaang nalagay sa panganib ang buhay ng mga taga media na naipit sa gitna ng barilan ng Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).










