Barko ng Philippine Coast Guard na may water canon, gagamitin sa paghahatid ng pagkain at kagamitan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Ang barko na ng Philippine Coast Guard (PCG) na tinatawag na White Ship na may kakayahang mambomba ng tubig ang susunod na maghahatid ng supplies sa mga tauhan ng Philippine Marines na nasa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sinabi ito ni PCG Vice Admiral Oscar Endona sa pagdinig ng Senado ukol sa panukalang reorganization ng PCG at benepisyo ng mga opisyal at kagawad nito.

ayon kay Endona, layunin nito na maiwasang ulitin ng China ang pagbomba ng tubig sa dalawang civilian vessels na maghahatid ng supplies sa BRP Sierra Madre noong November 16.


Paliwanag ni Endona, white to white diplomacy ang kanilang tugon sa nabanggit na insidente pero pwede silang gumanti ng water canon kung bobombahin ng tubig ng Chinese Coast Guard ang kanilang white ship.

Facebook Comments