96 KILO NG RECYCLABLE WASTE, NAKOLEKTA SA PALIT BASURA CARAVAN SA ALAMINOS

Umabot sa 96 kilo ng recyclable waste ang isinagawang Palit Basura Caravan kasabay ng Barangay Caravan sa Alaminos, kahapon, Mayo 27, ayon sa lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga nakolektang materyales ang karton, bakal, lata, glass bottles, at plastic bottles na dinala ng mga residente para sa waste exchange activity.

Bahagi ang programa ng kampanya sa solid waste management at waste diversion na layong mabawasan ang dami ng basurang itinatapon sa lungsod.

Sa ilalim ng programa, hinihikayat ang mga residente na mag-ipon at maghiwalay ng mga recyclable materials kapalit ng grocery items at iba pang pangangailangan, batay sa umiiral na halaga ng mga recyclable waste.

Regular ding isinasagawa ang Palit Basura Caravan sa mga barangay bilang bahagi ng environmental caravan ng lokal na pamahalaan upang palawakin ang partisipasyon ng komunidad sa waste segregation at recycling initiatives. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments