
Hindi natuloy ang paglalayag ng isang barko matapos na sumadsad sa may baybayin ng Jagba Port sa Bohol.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 506 ang pasaherong sakay ng MV Lite Ferry 5 na biyaheng Cagayan de Oro nang sumadsad sa mababaw na bahagi ng karagatan dahil sa low tide noong gabi ng April 19.
Isang concerned citizen ang inalerto ang mga tauhan ng PCG kaya agad itong nirespondehan at inilikas muna ang mga pasahero pabalik ng pantalan sa pakikipagtulungan din sa Philippine Navy, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO Jagna, Bantay Dagat, at mga lokal na mangingisda.
Wala namang nakitang pinsala sa barko pero magsasagawa ng full marine safety and environmental assessment.
Nakarakda ring hatakin ng tugboat mula sa Cebu ang barko mula sa kasalukuyang kinalalagyan nito.