CAUAYAN AVIATION PS, NAGPAALALA KAUGNAY SA GUN BAN

CAUAYAN CITY – Nagpaalala ang Cauayan Aviation Police Station sa lahat ng pasahero ng Cauayan Airport kaugnay ng mahigpit na pagpapatupad ng Comelec Gun Ban ngayong Midterm at National Elections 2025.

Sa panayam ng iFM News Team kay Police Captain Eduard Caballero, hepe ng Cauayan Aviation Police Station, binigyang-diin nito na ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang uri ng kontrabando partikular na ang mga baril na walang kaukulang dokumento, sa loob ng paliparan.

Isa sa mga kalimitang nakukumpiskang kontrabando ay mga bala na ginagamit umano ng ilang pasahero bilang anting-anting.

Bagamat wala pang naitatalang lumalabag sa nasabing ordinansa, patuloy ang maigting na pagbabantay ng mga otoridad upang matiyak ang seguridad at kaayusan sa lugar.

Nanawagan naman si Police Captain Caballero sa publiko na iwasan ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na gamit upang makaiwas sa abala at pananagutan sa batas.

Facebook Comments