Alinsunod narin sa EO No. 26 na inilabas noong nakaraang taon sa direktiba ng Pangulong Duterte na tuluyang ipagbawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong bansa mas hihigpitan ng Dagupan City ang pagpapatupad dito. Saklaw ng nasabing batas pati ang mga pampublikong mga sasakyan tulad ng jeep, bus, at gayundin ang mga sasakyang pandagat. Kaya naman hinihikayat ang mga business establishments na magkaroon ng designated smoking area na hindi expose sa publiko at upang hindi magmulta ang mga customers nila.
Hindi bababa sa P500 at lalagpas sa P1000 ang multa sa unang paglabag. Aabot naman sa P1000 hanggang P5000 ang pangalawang paglabag at hanggang P10,000 naman sa pangatlong paglabag. Mas mataas namang penalties ang ipapataw sa mga business establishments ang mahuhuling nagbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad na umaabot sa P100,000 hanggang P200,000 at pagkakakulong ang maaring ipataw sa mga mapapatunayang lumabag sa nasabing batas. Kaya naman mas paiigtingan pa ng Dagupan ang pagpapatupad dito sa pakikipagtulungan ng POSO at PNP.
Hinihikayat ang publiko na iwasang manigarilyo upang maiwasang mag-penalty at makaiwas sa mga sakit na dulot Niro sa katawan. Sa tala ng DOH umaabot sa humigit kumulang na 87,000 taon taon sa pilipinas symptoms ang nakakakitaan ng Tobacco- Related Illness tulad ng high blood, heart attack, lung cancer, diabetes, cervical cancer, emphysema, stroke, at asthma.