Bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental, niyanig ng 5.6 magnitude na lindol kaninang madaling araw

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental kaninang alas-4:01 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, may lalim ito ng 61 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Intensity IV sa naturang bayan, sa Bansalan, Davao del Sur at sa Malaptan at Malungon, Sarangani.


Intensity III naman ang naramdaman sa Davao City, Mati City sa Davao Oriental; mga bayan ng Alabel, Glan at Kiamba sa Sarangani, Koronadal City, mga bayan ng Polomolok, Tampakan at Tupi sa South Cotabato at General Santos City.

Habang naramdaman ang Intensity II sa Kidapawan City, mga bayan ng Arakan, M’lang, Makilala, at Pikit sa Cotabato; Maasim, Sarangani; Surallah sa South Cotabato at bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat.

Wala namang inaasahang pinsala ang Phivolcs pero asahan aniya ang aftershocks.



Facebook Comments