Saturday, November 21, 2026

Pangako ng pamahalaan na wakasan ang karahasan laban sa mga bata pagsapit ng 2030, suportado ng PNP

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang panibagong pagsisikap ng pamahalaan na tuluyang mapuksa ang karahasan laban sa mga bata pagsapit ng taong 2030.

Ang pahayag na ito ng PNP ay kasunod ng naging commitment ng Department of Health (DOH) sa isinagawang 2nd Global Ministerial Conference on Ending Violence Against Children sa Pilipinas noong Nobyembre 18.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., nangangako ang Pambansang Pulisya na palalakasin nito ang kanilang mga hakbang, titiyakin ang mabilis na aksyon sa mga kasong iuulat, at mapapanagot sa batas ang mga salarin dahil ang bawat bata ay deserve na lumaki sa paligid na ang kanilang kaligtasan, dignidad at karapatan ay napoprotektahan.

Tiniyak din ng Top Cop na paiigtingin nito ang kanilang cybercrime monitoring at imbestigasyon, maging ang koordinasyon sa mga katuwang na ahensiya at digital platforms para mahuli ang mga indibidwal na gumagamit ng internet para makagawa ng pagsasamantala sa mga bata.

Facebook Comments