Kalibo, Aklan – Nakapagtala na ng kauna-unahang kaso ng COVID-19 ang bayan ng Madalag. Base sa official statement ng MHO-Madalag na ang pasyente ay isang 55-anyos na babae na sumailalim sa 25 sessions ng radiotherapy mula Nobyembre 14 hanggang Disyembre 22, 2020 sa Iloilo City at pagkatapos ay inilipat ito sa isang pribadong hospital sa bayan ng Kalibo para sa follow up chemotherapy. Bago pa man bumiyahe papuntang Iloilo ang pasyente noon Nobyembre 13 ay sumailalim muna ito sa swab test at nag negatibo naman ang resulta. Muli itong isinailalim sa swab test Disyembre 23 pagkagaling sa Iloilo City at lumabas kahapon ang resulta kung saan nag positibo ito sa COVID-19. Sa ngayon ay nailipat na ang pasyente sa Aklan Provincial Hospital mula sa isang pribadong hospital kung saan una syang na admit para sa closed monitoring. Naka isolate naman at nakatakdang i-swab test ang mga naka closed contact nito.
Bayan ng Madalag nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng COVID-19
Facebook Comments