BBM-Sara UniTeam, muling nag-ikot sa 4 na probinsiya para maghatid ng tulong sa mga sinalanta ng Bagyong Odette

Muling nakapag-ikot ang BBM-Sara UniTeam sa apat na probinsyang para maghatid ng mas maraming tulong at iba pang relief goods sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Aabot sa P15 milyon ang tulong pinansyal at P23.3 milyon na halaga ng relief items ang naihatid ng BBM-Sara UniTeam sa mga biktima ng kalamidad sa loob ng dalawang araw nilang pag-iikot.

Nitong Lunes, lumipad si presidential aspirant Bongbong Marcos at House Majority Leader at Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez sa Surigao del Norte, Siargao Island at iba pang lugar na apektado ng kalamidad para magbigay ng P2 milyong tulong pinansyal, 2,000 food packs na nagkakahalaga ng P1 milyon at 3,000 sako ng bigas.


Matapos nito, pinuntahan nina Marcos at Romualdez sa Capiz si Davao City Mayor Sara Duterte at namigay ng P2 million financial assistance at 2,000 food packs na nagkakahalaga ng P1.2 million para sa typhoon victims.

Nagbigay rin si Marcos at Romualdez ng P1 million financial assistance, 2,000 food packs na nagkakahalaga ng P800,000, at 2,400 sako ng bigas sa Masbate Airport.

Sunod na pinuntahan ng BBM-Sara UniTeam sa Negros Occidental kung saan namigay sila ng P2 million financial assistance at 3,000 food packs na nagkakahalaga ng P1.8 million para sa biktima ng bagyo.

Nauna na ring nakapagbigay ng tulong nitong Linggo sina Marcos at Romualdez sa Southern Leyte, Butuan City, Bohol at Cebu.

Facebook Comments