Cauayan City, Isabela- Tinalakay ng Philhealth Cauayan ang ilan sa mga benipisyo na maaring matanggap at magamit ng mga miyembro ng Philhealth sa isinagawang ugnayan sa Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan kaninang umaga, Abril a tres taong kasalukuyan.
Sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kay Joseph Reyes, branch head ng Philhealth Cauayan, layunin ng kanilang programa na mabigyan lahat ang mga pilino ng mas dekalidad at abot serbisyong pangkalusugan.
Aniya, lahat ng mga miyembro ng Philhealth sa bawat kategorya gaya ng Formal category, Private Company, Informal Category, Sponsored, Indigent, lifetime members at Seniors citizen ay maaaring makinabang sa bawat package ng kanilang programa.
Ibinahagi din ni Ginoong Reyes na maari ding magpatingin sa RHU ang mga miyembro ng Sponsored category, indigent at Seniors Citizens members upang mabigyan ng libreng gamut dahil aniya, may pondo umano ang local government na inilaan para sa mga ito.
Ayon pa kay Reyes, Nasa labing tatlong libo na ang nakapasok sa Sponsored at indigent sa lungsod ng Cauayan at nabibigyan umano ang bawat rehistradong pamilya ng limang daang piso para sa kinakailangang gamut.
Kanya ding inaanyayahan ang bawat isa na magsadya sa kanilang tanggapan upang makibahagi sa kanilang programa at bisitahin lamang umano ang kanilang website sa *philhealth.com.ph <philhealth.com.ph>* at itype lamang umano ang uri ng sakit upang makita kung magkano ang package o benipisyo na maaaring matanggap.