Bihag ng Maute ISIS group sa Marawi, na-rescue

Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na may 14 na bihag ng Maute ISIS group ang nailigtas ng tropa ng pamahalaan sa lungsod ng Marawi

Ito ay aniya ipinaabot ng kanyang mga tauhan na kabilang task force Marawi.

Pero hindi na muna nagbigay pa ng komento pa si Dela Rosa nang tanungin ang impormasyon namatay na sa Main battle area sa Marawi sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.


Ipapaubaya na raw nya ang impormasyong ito sa Militar.

Sa ngayog patuloy aniya ang operasyon ng militar laban sa mga natitira pang terorista sa lungsod.

Facebook Comments