Umabot na sa 155 ang bilang ng mga pasaherong hindi bakunado ang pinababa sa inspeksyon na isinagawa ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT).
Ikinasa ang magkakahiwalay na operasyon sa Caloocan, Quezon City at Pasay ngayong unang araw ng implementasyon ng ‘No Vaccination Card, No Ride’ Policy sa National Capital Region o NCR.
Sa Commonwealth Avenue Quezon City, limang Public Utility Vehicle (PUV) ang sinita habang 12 naman sa Mindanao Avenue.
Isa-isang iniinspeksyon ng I-ACT marshals ang bawat dumadaang pampublikong sasakyan upang alamin kung nakakasunod sa polisiya.
Karamihan sa mga idinadahilan ng mga pasahero ay nakalimutan ang vaccination card at ang iba ay nagsasabing scheduled na silang magpabakuna.
Facebook Comments