Ilang tanggapan sa Navotas City Hall, sarado dahil sa COVID-19

51

Pansamantalang sarado simula ngayong araw ang punong tanggapan ng alkalde at ng Office of the City Administrator sa Navotas City dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Sa abiso ng Navotas Public Information Office, nagpositibo ang ilang kawani ng lokal na pamahalaan.

Tatagal ang pagsasara ng naturang tanggapan hanggang sa Miyerkules, January 19.


Bukas naman ang social services on stop shop ng Local Government Unit para sa mga nangangailangan ng tulong kabilang na rito ang kaugnay sa pagkakasakit dahil sa COVID-19.

Batay sa datos ng Navotas Health Office, nasa mahigit 1,690 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Navotas matapos madagdagan ng 403.

Facebook Comments