
Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang kampo ni Vice President Sara Duterte na maghain ng pormal na report kaugnay ng umano’y banta sa kanyang dating tauhan.
Ang pahayag na ito ng PNP ay kasunod ng post ng Spokesperson ni VP Sara na si Atty. Paolo Panelo na ang dati umanong household staff ng bise presidente ay nagpaparescue dahil nasa kustodiya umano ito ng mga hindi tukoy na indibidwal sa Maynila.
Dagdag pa ni Panelo,pilit umanong pinapirma ang sa isang dokumento ang biktima ngunit ito ay kanyang tinanggihan.
Hindi man pinangalanan ng nasabing abogado ang dating staff na ito ng Bise at ang grupong may hawak sa kanya, isinisi nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pangigipit kay Duterte.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Allen Rae Co, nakahanda ang PNP na protektahan ang sinuman.
Aniya, kailangan na maireport sa kanila ang mga ganitong klase ng banta para ito ay maimbestigahan.










