Binabantayan na Low Pressure Area ng PAGASA, posibleng maging bagyo ngayong araw

Manila, Philippines – Mataas ang tiyansang maging ganap na bagyo ngayong araw ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA.

Huling namataan sa 830 km silangan ng Basco,Batanes ang LPA na nakakaapekto sa hanging habagat o southwest monsoon at dahilan ng malakas na pag-ulan sa Metro Manila at karatig na lalawigan.

Dahil dito asahan ang mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at maaaring paminsan-minsan na malakas na pag-ulan, pagbugso ng hangin at kidlat dulot ng pagkidlat-pagkulog sa kamaynilaan, kabisayaan at mga rehiyon ng gitnang Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol.


Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan maliban sa mga pulu-pulong mahina hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan, pagbugso ng hangin at kidlat ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala, mamayang alas-onse ng umaga muling maglalabas ng update ang PAGASA kaugnay dito.

Facebook Comments