BINANSAGAN | Senador Trillanes, nagiging espesyalista na sa demonyo – Malacañang

Manila, Philippines – Tinawag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na espesyalista sa mga demonyo si Senador Antonio Trillanes IV matapos ang panibagong banat nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Roque matapos ang pahayag ni Trillanes na baka may sungay ang Diyos na kinikilala ni Pangulong Duterte at walang kwenta ang mga komiteng binuo nito para kausapin ang mga religious groups.

Ayon kay Roque, hindi niya alam kung bakit tila espesiyalista ngayon ng demonyo si Trillanes dahil wala na itong sinabi kundi demonyo nitong mga nakaraang araw.


Hindi din naman na nagugulat ang Malacañang sa mga birada ni Trillanes dahil wala naman talagang nasasabing mabuti ang senador para kay Pangulong Duterte at ganon din naman aniya sila sa Senador.

Facebook Comments