SINAMPAHAN | Dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nagsampa ng kaso laban kay Mon Tulfo

Manila, Philippines – Nagsampa ng kaso si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa Manila Office of the City Prosecutor, laban kay Ramon Tulfo Jr. at sa 10 opisyal at editor mula sa mga pahayagang Philippine Daily Inquirer at Bandera.

Kasong may kinalaman sa libelo (10 counts), at 12 counts ng paglabag sa Section 4 ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 ang isinampa ni Aguirre.

Ayon kay Aguirre, nagugat ang reklamong ito sa sunod – sunod na column na inilabas ni Tulfo kung saan idinadawit ang pangalan nito sa 50 million pesos na suhulan upang mapalaya ang mga undocumented Chinese workers ng Gaming Tycoon na si Jack Lam noong 2016.


Aniya, walang batayan ang mga column ni Tulfo at puro paninirang puri lamang ito.

Facebook Comments