BINATILYO,GINAHASA NG KANYANG STEPFATHER;SUSPEK,ARESTADO

22
Arestado ang isang amain sa kasong panggagahasa sa kanyang sariling step-son sa bayan ng Solana, Cagayan, kahapon, Agosto 2, 2022.

Sa impormasyon mula sa Cagayan Public Information Office, ang suspek ay kinilala na si alyas Ronnie, 29 taong gulang at residente ng Brgy. Andarayan, South Solana, Cagayan.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, naganap ang panghahalay ng suspek sa menor de edad na batang lalaki sa kanilang bahay nitong Pebrero.

Ang lalaki ay naaresto sa kanyang mismong tahanan sa ilalim ng pinagsamang operatiba ng kapulisan mula sa Solana Police Station, Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, 3rd Maneuver Platoon ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Cagayan Police Provincial Office, at Regional Intelligence Unit ng PRO2.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Marivic A. Cacatian Beltran, Presiding Judge ng RTC Branch 4.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek habang nasakustodiya ito ng pulisya.

Facebook Comments