PAMPASAHERONG BUS TUMUMBA, MGA PASAHERO NAKALIGTAS

18
Maswerteng nakaligtas ang dalawampu’t dalawang (22) pasahero matapos matumba ang sinasakyang pampasaherong bus sa Sanchez Mira, Cagayan, kaninang madaling araw, Agosto 3, 2022.

Sa inilabas na report ng Cagayan Provincial information Office, inihayag ni Jovito Biado, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Sanchez Mira, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber dahil sa madulas na kalsada buhat ng pag-ulan.

Ayon kay Biado, patungo sana ng Laoag ang bus na galing sa probinsya ng Isabela.

Wala namang naitalang nasugatan ngunit may tatlong pasaherong nagtamo ng bukol sa ulo dahil sa pagkakauntog.

Dumating naman ang isa pang bus ng GMW upang ibiyahe ang mga pasahero papuntang Laoag City.

Facebook Comments