PROVINCIAL TOP 4 AT REGIONAL TOP 5 MOST WANTED PERSONS, ARESTADO

11
Arestado ng mga pulis ang provincial top 4 at regional top 5 most wanted persons ng Cagayan sa magkahiwalay na operasyon noong Agosto 2, 2022*. *

Kinilala ang provincial top 4 most wanted person na si alyas Peping, 30 taong gulang, magsasaka at residente ng Brgy. Nanuccauan, Amulung West habang ang regional top 5 most wanted person naman ay si alyas Juan, 29 anyos, binata, magsasaka at residente Brgy. Andarayan South, Solana, Cagayan.

Ayon sa Cagayan Police Provincial Office, naaresto si alyas Peping sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong panggagahasa at si alyas Juan ay sa bisa ng warrant of arrest dahil sa krimeng “Qualified Rape”.

Ang dalawang suspek ay parehong nasa kustodiya ng PNP Amulung at Solana para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments