Biyahe ng ilang bus sa Araneta Center Bus Terminal, fully booked na

91

Fully booked na ang biyahe ng ilang bus sa Araneta Bus Terminal.

Ayon sa pamunuan ng terminal, fully booked na ang kanilang mga bus na biyaheng Albay, Sorsogon, Leyte, Samar at Panay Island hanggang April 19.


Pero sakaling maaprubahan na ang special permit mula sa Land Transportation Franchising And Regulatory Board o LTFRB, magkakaroon na ng mga dagdag na biyahe ng bus sa nasabing mga lugar.

Pagtitiyak naman ng pamunuan ng terminal, walang magiging aberya sa mga pagdagsa ng mga pasahero dahil marami naman ang babiyaheng ordinary bus.

Samantala, punuan na rin ang biyahe ng mga bus sa DLTB at Philtranco terminal sa EDSA extension, Pasay City.

Sa Philtranco, fully booked na ang mga biyahe ng bus patungong Camarines Norte at Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Leyte at ilang Mindanao provinces.

Gayundin ang biyahe ng DLTB patungong Mindanao at Bicol Region.

Nanatili namang matumal ang pagdating ng mga pasahero sa Victory Liner Terminal sa Pasay.

Facebook Comments

From Advertisers