Kalibo, Aklan – Simula October 1, 2020 ay bubuksan na ang isla ng Boracay sa mga local at foreign tourists. Ito ang napagkasunduan kahapon sa zoom meeting nina Aklan Governor Florencio Miraflores, Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, DILG Secretary Eduardo Año at DENR Secretary Roy Cimatu. Ayon kay Governor Miraflores pumayag na ang nasabing mga secretaries sa proposal ng provincial government ng Aklan at municipal government ng Malay na buksan na sa turista ang Boracay matapos ilatag nila ang mga requirements na ipapatupad sa mga bibisita sa isla. Sa mga local tourist ay kailangan lamang umano na mula ang mga ito sa areas na ang quarantine classification ay nasa modified general community quarantine o MGCQ. Kailangan din aniya na ang bawat turista na papasok sa isla ng Boracay ay merong hotel bookings, at negative Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction o RT-PCR results na kuha sa loob pa lang ng 72 hours at ang eroplanong sasakyan ng mga turista ay direktang lalapag lamang sa Caticlan Airport.
BORACAY BUBUKSAN NA SA MGA TURISTA SIMULA OKTUBRE 1
Facebook Comments