Boracaypasok sa Top 10 Best Island sa Asia

16

Kalibo, Aklan – Pasok ang isla ng Boracay sa Top 10 Best Island in Asia batay sa isang International Travel Magazine.
Sa resulta ng Conde Nast Traveler’s (CNT) 2020 Readers’ Choice Awards pasok din ang Cebu at Visayas Island na nakuha ang Top Island in Asia.
Ang Palawan City ay nakuha ang ikaapat na pwesto, pang lima ang Siargao Island at pang anim ang isla ng Boracay.
Batay sa CNT taon-taong na nasa milyon-milyong dayuhan ang bumibisita sa Cebu dahil sa mga malilinis na beach at nag gagandahang diving destinations.
Noong nakaraang taon, tatlong lugar lamang sa Pilipinas ang nakapasok sa Asia’s Top Island kung saan nanguna ang Boracay, Cebu at Visayas ang No. 2 at Palawan ay No. 4.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat malaking tulong sa kanila ang nasabing parangal dahil nagbibigay ito sa kanila ng kumpiyansa habang patuloy na pinapatupad ang mga hakbang sa muling pagbubukas ng turismo sa Pilipinas.

Facebook Comments