Brgy. Chairwoman Beng Beltran, binawian na ng buhay matapos tambangan sa QC

Manila, Philippines – 12:25 kanina nang ideklara ng mga manggagamot sa FEU hospital na binawian na ng buhay na si Beng Beltran, ang Barangay Chairwoman ng Barangay Bagong Silangan sa QC matapos pagbabarilin sa QC.

Kasamang nasawi sa pamamaril ang driver ni Beltran habang sugatan naman ang tatlo nilang kasamahan.

Ayon kay PSupt. Joel Villanueva, P6 station Commander, pasado ala onse kanina, sakay ng kotse sina Beltran at habang papalabas ng Filinvest subdivision nang biglang sumulpot ang riding in tandem criminal saka sila pinagbabaril


Si Beltran na nasa last term na bilang barangay chairwoman ay kumakandidatong congresswoman sa QC sa ilalim ng ticket ni Bingbong Crisologo na katunggali naman sa pagka mayor ni Vice Mayor Joy Belmonte

Sa ngayon ay inoobserbahan sa ICU sa FEU hospital sa Commonwealth si Beltran.

Facebook Comments