British national – nalunod sa isla ng Boracay, patay

292

Boracay, Philippines – Dead on arrival sa Alert Medical Clinic ang isang British national matapos na malunod sa station 1, Balabag, Boracay.

Nakilala ang biktima na si Jose Arenas, 50-anyos at nagbabakasyon lamang sa isla.

Sa report na natanggap ng Boracay tourist assistance center galing sa Coastguard na mga 11:15 kahapon ng matanggap nila ang tawag at sa kanilang ginawang imbestigasyon lumalabas na sakay ang 12 na mga pasahero sa MBCA Yegrina kasama ang isang dive master at tatlong crew para magsagawa ng diving activities at nang nandon na sila ay nakita ng dive master ang biktima kasama ang dalawang anak na nagpapanik kaya’t dali-dali nya itong kinuha sa dagat at dinala sa dalampasigan.

Naisugod agad sa AMC ang biktima pero idineklarang dead on arrival ng doctor dahil sa cardio pulmonary arrest.
Nation”

Facebook Comments